5 timbog sa pot session sa Naga City

tiklo

NASAKOTE ng awtoridad ang limang hinihinalang drug addict kabilang ang isang babae habang nasa aktong sumisinghot ng shabu sa Barangay Calauag, Naga City pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.

Batay sa imbestigasyon ng Naga City Police Office (NCPO), kinilala ang mga suspek na sina Alejandro Caraquino 23-anyos; Rolando Oliquiano, 19; Jojie Filen, 26; Roberto Arnaldo, 31; at ang 23-anyos na si Gracelyn Binaid.

Ayon sa impormasyon, mismong ang live-in partner ni Jojie na si Ma. Sheena Torres ang nagsumbong sa mga awtoridad ukol sa ginagawang pot session ng mga suspek sa loob ng bahay ng isang Garry Garganta.

Dahil sa natanggap na impormasyon, agad na bumuon ng isang team ang mga awtoridad at rumesponde lugar.

Sa kalagitnaan nang paghithit ng pinaniniwalaang shabu ay hindi na nagawa pang makatakas ng mga suspek at inaresto ang mga ito

Nakuha sa mga suspek ang plastic sachet na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot at iba pang mga drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga inaresto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply