50 gramo ng shabu nakumpiska ng PDEA sa Cebu

pdea2

NALAMBAT  ng  pinagsanib  na  puwersa   ng  Philippine Drug  Enforcement Agency (PDEA), Philippine  National  Police (PNP)  at Philippine  Army  ang babaeng pusher matapos  makumpiskahan ng may  50 gramo  ng shabu  sa  isinagawang entrapment operation nitong nakalipas na Nobyembre 17, 2012  sa Cebu City.

Kinilala ni  PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang  nadakip na suspek na si  Janel Ygonia  matapos  makumpiska ang may  50 gramo ng shabu  sa isinagawang buy  bust  operation  sa  Sitio  Bagakay, Barangay  Valencua, Carcar  City, Cebu.

Si  Rublen Ripdos,  ang  live-in partner ni Ygonia na pangunahing  target ng operation ng mga awtoridad ay  nakatakas  matapos  isagawa  ang operation.

Nahaharap  sina Ygonia  at Ripdos  sa  kasong paglabag  sa Article II ng  Republic Act 9165, na  mas  kilala  sa  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, binigyan naman ng komendasyon ni Cacdac ang mga operatiba ng PDEA, PNP at Philippine Army sa matagumpay na  operation   na  isinagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply