50,000 katao dumalaw sa North cemetery ngayon araw

PUMALO pa rin sa mahigit na 50,000 ang dumadalaw sa Manila North Cemetery ngayong araw.

Dahil sa pagbuhos ng tao sa naturang sementeryo ay muli namang isinara sa mga pampublikong sasakyan ang kalye sa harapan ng sementeryo.

Kabilang sa mga kalye na isinara ay ang Dimasalang, Aurora Blvd, Blumentritt at A. Bonifacio.

Gayunman, pinapayagan naman ang mga pribadong sasakyan na makapasok sa nabanggit na mga kalye ngunit hindi ito pinapayagang pumasok ng sementeryo.

Ayon sa Manila Police District –Police Station 3, maari pa umanong madagdagan ang bilang ng mga dumadalaw sa Manila North Cemetery hanggang mamayang gabi.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply