59 rugby boys dinampot sa Mandaluyong

AABOT sa 59 “rugby boys” at ilang batang nanlilimos ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police at mga representante ng City Social Welfare Office at ng Metro Manila Development Authority.

Ayon sa ulat sa radyo kaninang umaga, dinampot din ang mga batang humihingi ng limos sa may crossing ng Boni at Ortigas Ave. sa kahabaan ng EDSA.

Dinampot ang mga paslit na halos ginagawa nang tirahan ang  nasabing bahagi ng EDSA kung saan nagiging banta na rin ito sa mga motorista na takot nang dumaan doon.

Aalamin din ng pulis-Mandaluyong kung ilan sa kanilang mga dinampot ang miyembro ng tinatawag na “Bukas Kotse Gang.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply