.5M matatapyas sa ARMM registered voters

POSIBLE umanong umabot sa kalahating milyong botante ang maalis sa listahan ng registered voters sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, sa kanilang pagtaya ay maaaring nasa 1.2 milyon lamang ang matirang botante na papayagang makalahok sa darating na 2013 midterm elections.

Ipinaliwanag ni Jimenez na sa mga ginawa nilang pagsala ay nakita nilang bukod sa mga double registrants ay marami rin ang mga under age na nagparehistro.

Sa katatapos aniyang voters registration ay nasa tatlong milyon ang mga bagong botante na nais magparehistro.

Gayunman, asahan aniya na mababawasan pa ito dahil sa hindi naman nangangahulugang kapag nakapagparehistro ay agad ng makakaboto.

Dadaan pa rin kasi aniya ang mga ito sa iba’t ibang proseso nang ginagawa nilang paglilinis sa voters list upang matiyak na hindi ito rehistrado sa iba pang lugar.

Batay sa pagtaya ni Jimenez, posibleng nasa 50 hanggang 51 milyon ang botante na papayagang makaboto sa halalan sa susunod na taon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply