6 anyos nalunod, patay

LAOAG CITY – Isang anim na taong gulang na lalaki ang namatay matapos itong malunod sa isang batis sa Barangay Uno, sa nasabing lalawigan kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Gino Carlos Tamayo, isang Grade 1 pupil at natagpuan sa Padsan River bandang 11 ng umaga noong Martes.

Ayon sa inisyal na report ng Laoag City Philippine National Police (PNP) nagkayakagan umano ang biktima at tatlo nitong kasamahan na maligo sa nasabing batis.

Naligo ang mga bata dahil umano’y kansilado ang kanilang klase sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, napadpad umano si Tamayo sa isang malalim na parte ng Padsan River at hindi na ito nakayanang lumangoy papuntang pampang.

Isinugod pa ang biktima sa pinakamalapit na ospital pero idineklara itong dead-on-arrival.

Ayon pa sa police, Lunes pa lang daw ay sinabi ng pamunuan ng eskwelahan na wala ng klase ng Martes pero hindi ito pinaalam ng biktima sa kanyang mga magulang.

Ang alam ng mga magulang ng biktima ay may pasok ito at umalis ng bahay na bitbit ang kanyang school bag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply