6-anyos unang biktima ng paputok sa Laoag

NAITALA ngayon ang kauna-unahang biktima ng paputok makaraang maputukan ang isang anim na taong gulang sa Laoag City.

Isinugod ang hindi pinangalang biktima na residente ng Brgy. Lagui-Sail sa Laoag sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital makaraang masabugan ng hindi tinukoy na paputok ng mga doctor.

Nagtamo ng sugat sa kamay ang biktima na agad din namang pinauwi ng mga doctor dahil hindi naman grabe ang sugat na natamo nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply