6 miyembro ng sindikato, patay sa engkuwentro

crime3

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine National Police ang anim na kalalakihan na pawang hinihinalang kasapi ng isang organized crime syndicate sa Timog Katagalugan sa isang sagupaan sa bayan ng Calamba, Laguna kaninang umaga.

Ayon sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame mula sa Southern Tagalog Regional Police Office, bandang alas 8:30 ng umaga, isang engkuwentro sa pagitan ng mga hinihinalang gun for hire/highway robbery group sa Brgy. Lecheria, sa bayan ng Calamba.

Inihayag ni Southern Tagalog Police director, Chief Supt. James Melad, na kasalukuyan pa nilang kinikilala ang mga napaslang, lima rito ang dineklarang dead on the spot habang sa pagamutan naman nalagutan ng hininga ang isa.

Nabatid pa na pinilit na maitakbo sa pagamutan ang isa sa mga napaslang upang makuhanan ng impormasyon hinggil sa kanilang pagkakikilanlan at grupong kinaaniban.

Ayon naman kay Laguna Police provincial director/Sr. Supt. Fausto Manzanilla, matagal na nilang minamanmanan ang galaw ng mga hinihinalang miyembro ng grupo kaya naka-alerto ang kanilang mga tauhan ng matiyempuhan ang nasabing pangkat.

Sa unang bugso ng sagupaan ay hinihinalang mga miembro ng isang bigtime highway robbery group ang kanilang nakasagupa matapos na makasamsam ang mga awtoridad ng mga high powered firearms gaya ng M16 Armalite rifle, handgun at isang kulay brown na Toyota Innova AUV na may License Plate No. (TDI-214).

Kasunod nito ay rumesponde ang mga tauhan ng PNP’s Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa kaukulang forensic investigation upang matukoy ang kakikilanlan ng mga napatay na suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply