6 na patay sa sama ng panahon – NDRRMC

LPA-nov-12

UMABOT na ngayon sa anim ang bilang ng mga namatay sa Mindanao sanhi ng walang humpay na pagbuhos ng malalakas na ulan bunsod ng nararanasang low pressure area sa rehiyon nitong nakalipas na mga araw.

Ayon sa huling tala na inilabas kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa anim ang bilang ng mga namatay dahil sa malakas na pag-ulan sa Mindanao.

Base sa datus na hawak ng NDRRMC, karamihan sa mga nasawi ay nalunod at ang dalawa sa mga ito ay na-trap sa gumuhong tunnel habang nagsasagawa ng pagmimina.

Kinilala ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos ang mga biktima na na-trap sa tunnel na sina Ronnie Lawangon, 36-anyos ng Agusan del Sur, na-trap at Mark Glenn Casher, 27-anyos.

Habang sa pagkalunod naman ay namatay sina Arjay Javier, 17, North Cotabato; Rouleen Aling, 32-anyos, Davao del Sur; Zosito Andamon, 28-anyos, Digos City; at Kamid Tuya, 61-anyos, Sultan Kudarat na inatake sa puso dahil sa pagtaas ng tubig sa kanilang barangay

Bukod dito, lumubog sa baha ang walong barangay sa Imelda, Zamboanga Sibugay, 10 barangay sa Sultan Kudarat at 11 barangay sa Balabagan, Lanao del Sur.

Tatlong barangay din sa Sta. Cruz, Davao del Sur ang niragasa ng flashfloods matapos mapuno ang Sibulan River.

Kaugnay nito, nanatiling naka alerto ang tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction Mangament Council sa mga nabangit na lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply