6 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa NLEX

SUGATAN ang anim katao sa naganap na banggaan ng apat na pribadong sasakyan at isang pampasaherong bus malapit sa San Simon Exit ng North Luzon Expression (NLEX), kaninang alas-8:00 ng umaga.

Ayon sa ulat ng Toll Regulatory Board (TRB), dinala ang mga sugatan sa Calcutta Hospital sa aksidente na naganap dakong las 8:00 ng umaga.

Agad naman naialis ang mga sasakyan sa kalsada bandang alas-9:00 ng umaga para hindi nakaabala sa daloy ng trapiko.

Samantala, upang maibsan ang pag-aantay ng mga motorista na papasok sa NLEX, nagpakalat na ang pamunuan ng mga ambulant tellers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply