6 sundalo, 5 NPA todas sa sagupaan sa Isabela

PATAY ang anim na sundalo habang lima ang nalagas sa panig ng New People’s Army (NPA) matapos magkaengkuwentro sa isang remote village sa Isabela, Sabado ng umaga.

Bukod sa mga namatay ay tinatayang nasa 17 din ang nasugatan.

Batay sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, nagsimula ang bakbakan dakong alas-5:00 ng madaling araw sa Barangay Mabayad, sa bayan ng San Guillermo, Isabela.nang atakehin ng may 30 rebeldeng NPA na mula sa Benito Tesorio Command ang tropa ng 52nd Division Reconnaissance Coy na nasa pamumuno ni 2nd Lt. Torre Palma

Sa ulat, nagpapatrulya ang mga awtoridad nang lusubin sila ng mga rebelde.

Tumanggi naman si Army spokesman, Colonel Cirilito Sobejana na pangalanan ang mga namatay na sundalo habang hindi pa naipararating sa pamilya ng mga ito ang kanilang sinapit.

Samantala, isa pang sagupaan ang naganap sa pagitang ng tropa ng pamahalaan at isa pang grupo sa Brgy. Ganalan, San Mariano, Isabela.

Wala namang napaulat na namatay sa naturag bakbakan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply