7-11 sa Tondo nilooban ng riding in tandem

NILOOBAN ng dalawang armadong lalaki ang isang sangay ng 7-11 convenience store kagabi sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District –Station 2 si Randy Carandang ang nasa kaha nang puamsok ang mga suspek at nagpanggap na customer ng 7-11 na matatagpuan sa Moriones at Zamora St., sa Tondo, Maynila.

Paglapit umano ng mga suspek kay Carandang ay agad siyang tinutukan ng baril at pilit na kinukuha ang benta ng tindahan.

Nang malimas ang kita ng convenience store ay mabilis na lumabas ang mga suspek at tumakas sakay ng di naplakahang motorsiklo.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang halaga ng natangay ng mga suspek at kung may kuha ng CCTV sa nasabing tindahan upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga holdaper.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply