7.4M Pinoy dumudumi sa damuhan

UMAABOT sa 7.4 milyong Filipino ang nasanay nang dumumi at magbawas sa damuhan, ito ang pahayag ni Dr. Mike Gnilo ng Unicef Philippines.

Aniya, mahigit 26 milyong Filipino ang walang access sa malinis na palikuran at karamihan sa kanila ay kung saan-saan na lamang dumudumi.

Ani Gnilo, sa kabila ng mga hakbang ng United Nations (UN) para sa pangkalahatang access sa malinis na palikuran ay nananatiling 1.1 bilyon pa rin ang hindi sumusunod sa paraan ng malinis na pagdumi.

Bukod sa 7.4 milyong Pinoy hindi gumagamit ng palikuran at dumudumi pa rin sa mga damuhan, plastic bag, at railways, nadadagdagan pa umano ito sanhi ng mga kalamidad na nararanasan ng Pilipinas.

Dahil dito, bukod sa lantad sila sa sakit, lantad din umano sila sa verbal at sexual abuse.

Karamihan umano sa mga taong hindi gumagamit ng palikuran ay mga mahihirap na nakatira sa Masbate, Northern Samar at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Gayunman, marami rin umano dito sa Kamaynilaan, particular sa mga taong grasang naninirahan sa kalsada.

Sa tagiliran ng National Post Office sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, kapansin-pansin ang amoy mabahong dumi ng tao kapag dumaraan sa tulay na patungong Sta. Cruz.

Dahil dito, nanawagan si Gnilo sa pamahalaan ng Pilipinas na kumilos para sa sanitation dahil nakakatulong ito upang mabawasan ang mga nagkakasakit sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply