7 BIR execs, 86 pa, under-fire sa corruption

PITONG key officials ng Bureau of Internal Revenue ang umano’y ‘under-fire at 86 na iba pa ang nahaharap sa kasong katiwalian habang ikinakasa naman ni BIR Commissioner Kim Henares ang isang ‘major revamp’ sa layuning walisin ang mga corrupt, misfits, undesirable at notorious officials and men na sumisira sa imahe ng nasabing tanggapan.

Kumpiyansa, gayunman, si Henares na makukulakta nila ang 2012 target tax goal na P1.006 trillion hanggang buwan ng Disyembre o bago pumasok ang susunod na taong 2013 matapos maka-goal ang 19 regional offices habang inaasahan namang mahahabol ang tinamong P27 bilyong shortfall ng Large Taxpayers Service sa ilalim ng pamamahala ni BIR-LTS Assistant Commissioner Fred Misajon.

Tinataya sa 86 revenue personnel ng BIR ang nahaharap sa kasong gaft and corruption mula lamang buwan ng Enero hanggang Setyembre ng taong ito. Mula 2008 hanggang 2012 umaabot naman sa 573 ang na-sibak sa puwesto at na-reprimand at tinataya naman sa 124 ang may pending case.

Hindi agad nalaman ang pangalan ng pitong revenue key officials na nahaharap sa panibagong kaso.

Ikinasiya ng Pangulong Noynoy Aquino, ayon sa source, ang  report ni  Henares sa magandang takbo ng tax collections at negosyo sa ipinamalas na tax collection performance nina BIR Regional Directors Nestor Valeroso (Makati City), Simplicio Madulara (City of Manila), Jonas Dela Pena Amora (Quezon City) at Tomas Rosales (Caloocan City) na siyang may malaking naiambag para makuha ang P1 trillion tax goal sa kabuuang P1.006 trillion.

“We will workhand until the end of the year. We’re not thinking of whether we will achieve it or not. The whole attitude is try to achieve it . . . if we can not . . then the explanation can come later,” pahayag ni Henares.

Ayon sa source, dismayado si  Henares sa kumakalat na ‘white paper’ ukol sa matinding siraan, intrigahan at sabuyan ng putik ng mga division head ng LTS na ang pinag-aawayan umano ay ‘pera’  o ‘partihan’ tulad ng mga akusasyon na diumano’y pag-terminate sa mga tax cases sa bisa ng ‘lagay system,’ pagtanggap ng ‘grease money,’  ‘double the PR money,’ pagtanggap ng ‘extra bonus,’ ‘cash,’ ‘gifts,’  ‘jewelries,’ ‘ipod,’ ‘ipon,’ ‘laptop,’ pagkakaroon ng mga questionable house and lots sa loob at labas ng Metro Manila, pagbili ng mga expensive cars, branded bags at travelling abroad na mula umano sa ‘taxpayers money.’

Ang sabuyan ng putik ay mula umano sa hanay ng tropa nina alyas ‘Edwin,’ ‘Grace,’ ‘Cesar,’ ‘Hermie,’ at ‘Rosita’ ng LTRAD 1, 2 at 3  na siyang may control sa lahat ng mga ‘juicy cases’ at may pakana ng sinasabing ‘double the PR’ sa bawa’t tinatapos na tax cases, bukod pa sa umano’y paghingi ng extra-bonus gaya ng cash, gifts, jewelries, ipod, ipon, laptops at iba pa.

Ang alyas ‘Edwin’ diumano ay malakas kay Henares at lahat ng sumbong ay pinakikinggan at ipinagmamayabang pa na bayaw nito ang isang popular na senador.

Ikinakalat din ng alyas ‘Edwin’ na siya ang itatalaga ng BIR chief bilang bagong RDO sa Quezon City North, samantalang ang alyas ‘Cesar’ naman daw ang ilalagay bilang bagong RDO sa Novaliches.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply