7 international flight apektado ng SoKor rocket launch

benito-ramos

PITONG international flight ang maapektuhan ng “partial closure” ng airways sa silangan ng bansa kaugnay ng rocket launch ng South Korea (SoKor).

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, karamihan sa mga ito ay may biyaheng Saipan, Guam at Hawaii.

Gayunman, wala namang maapektuhang local flights kaugnay ng pagsasara ng airways.

Sakaling maging matagumpay ang satellite launch, hanggang mamayang gabi lang ang closure at hindi na ito paaabutin ng hanggang Linggo (Disyembre 2).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply