7 Quezon province inmates na pumuga, hindi pa nahuhuli

BIGO pa rin ang awtoridad na maibalik sa selda ang pitong preso na tumakas sa Polilio Municipal Jail sa Quezon province nitong nakaraang Sabado ng madaling araw.

Pero patuloy pa rin ang pagkakasa ng hot-pursuit operation laban sa mga presong sina Mark Anthony Tayapas, Meoven Bo, Arnold Montano, Melchor Bueges, Santos Peñasclosas, Arnel Grestor at ang magkapatid na Merlito at Meoven Bo.

Ayon kay SPO2 Ulysis Revamonte ng Polilio PNP, na nakipag-ugnayan na rin sila sa iba pang kapulisan upang sa lalong madaling panahon ay maibalik ang mga notoryus na preso sa kanilang selda.

Maalalang, halinhinang nilagare ng mga preso ang bakal na rehas ng kanilang selda nitong 1:00 ng Sabado ng madaling araw.

Hindi naman narinig ng mga naka-duty na pulis ang ikinakasang milagro ng mga preso dahil malayo ang selda sa lugar ng desk officer.

Bukod pa rito, nabatid na nasa madilim na bahagi ng bilangguan ang selda ng mga suspect kaya hindi napansin ng mga naka-duty na pulis ang pagtakas ng mga preso.

Ayon pa kay Revamonte, robbery, rape, murder at illegal possession of deadly weapon ang kaso ng mga pugante kaya naman pinag-iingat na rin nito ang publiko dahil mapeligro ang kalibre ng mga nakapugang preso.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply