701 patay sa dengue sa bansa – DOH

UMAKYAT na sa 132,046 ang mga taong nabiktima ng sakit na dengue, habang nasa 701 naman ang nasawi sa naturang sakit.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), ang nasabing bilang ay naitala simula Enero 1 hanggang Oktubre 13, at mataas ng 24.92 porsiyento kumpara sa naitalang 105,702 cases sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Nananatiling ang Metro Manila ang may pinakaraming naitalang kaso ng sakit na umabot sa  20.42 porsiyento ng kabuuang mga kaso.

Sinundan naman ito ng Central Luzon (Region 3) na may 15.79 % at Southern Tagalog (Region 4-A) na may 15.66 %.

Ayon sa DOH, karamihan sa mga nasawing biktima ay mga bata habang ang mga biktima ng sakit ay simula isang buwang gulang na sanggol hanggang 95 anyos.

Ang 52.8 % sa kabuuang bilang ay mga lalaki at nasa 40 % ang nasa age group na 1 hanggang 10 anyos.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, nanatili pa ring banta ang dengue sa kalusugan kahit pa man nagtapos na ang peak season nito noong buwan ng Setyembre.

Pinayuhan pa nito ang publiko panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at tiyakin na matanggal ang mga lugar na pinamamahayan ng mga lamok.

Aniya, hindi naman nakamamatay ang dengue at sa halip ay mabilis na gumagaling kung maaagapan lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply