75 katao nabiktima ng illegal recruiter sa Davao

TINATAYANG 75 katao ang nabiktima ng illegal recruiter sa Davao del Sur.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad ng Ilocos Norte sa kanilang counterparts sa Solano, Nueva Viscaya para madakip ang mga recruiter ng mga biktima na pawang taga Davao del Sur.

Ayon kay Joel Fernandez, ng Brgy. San Jose, Digos Davao del Sur, sina Cesar Martinez, Eliza Martinez at Elizabeth Martinez, mga taga Poblacion Solano, Nueva Viscaya ang nag-recruit sa kanila upang magtrabaho.

Base sa salaysay ni Fernandez, pinangakuan siya ng trabaho na tagapag-alaga ng baboy, baka at iba pang uri ng hayop ngunit basta na lamang itong ibinaba sa bayan ng San Nicolas matapos manggaling sa Solano.

Sinasabing nagbayad siya ng P13,000 bilang placement fee sa kanyang recruiter.

Ayon pa kay Fernandez, isinakay silang 75 na ni-recruit sa walong van at dinala sa iba’t ibang lugar.

Hindi naman masabi ni  Fernandez kung saang lugar ibinaba ang kanyang mga kasamahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply