79 partylists aprub sa Comelec, 4 pa ibinasura

comelec logo

IPINAHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na may 79 party-list groups ang pinayagan nilang lumahok sa 2013 midterm elections, habang apat pang karagdagang grupo ang diniskuwalipika sa halalan.

Ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes Jr., sa naturang 79 grupo na inaprubahang lumahok sa eleksiyon, ay 58 ang existing party-list na na-retain habang ang iba naman ay mga bagong grupo na binigyan ng akreditasyon.

Kabilang sa listahan ang mga registered party-list groups na Abante Tribung Magsasaka, Act Teachers Party-list, Advocacy for TEacher Empowerment Through Action Cooperation and Harmony Towards Educational Refrosm (A-TEACHER), Agila ng Katutubong Pilipino, Alagad, Alliance for Philippine Security Guards Cooperative, Alliance of Volunteers Educators; Alyansa Lumad Mindanao, Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan, Anak Mindanao, Anakpawis, Ang Ladlad, Ang Partido ng mga Pilipinong Marino, Gabriela, Kababaihang Lingkod sa Bayan, Kabataan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan All Filipino Democratic Movement, Katribu Indigenous Peoples Sectoral Party;

Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty, Trade Union Congress Party,  BANAT and AHAPO party-list coalition,  Abakada-Guro,  Abante Katutubo,  Abante Mindanao, Abono,  Adhikain ng mga Dakilang Anak Maharlika,  Agbiag Timpuyog Ilocano,  Agrarian Development Association,  Agricultural Sector Alliance of the Philippines,  Akap Bata Sectoral Organization for Children,  Akbayan Citizens’ Action Party,  Ako AYoko sa Bawal na Droga,  Alay Buhay Community Development Foundation;

Alyansa mga Media at Showbiz,  Alyansa ng OFW, Alyansang Bayanihan ng mga Magsasaka, Manggagawang Bukid at Mangingisda,  Adhikaing Tinataguyod ang Kooperatiba,  An Waray,  Ang Asosasyon Sang Mangunguma Nga Bisaya-Owa Mangunguma,  Ang Laban ng Indigong Filipino,  Ang Mata’y Alagaan,  Ang National Coalition of Indigenous People’s Action Na;

Arts Business and Science Professionals,  Association of Laborers and Employees,  Bagong Henerasyon,  Bayan Muna,  Buhay Hayaan Yumabong,  Citizens’ Battle Against Corruption,  Cooperative Natcco Network Party,  Democratic Independent Workers Association,  Kalinga,  Kasangga sa Kaunlaran,  Kasosyo Producer,  LPG Marketers Association,  Puwersa ng Bayaning Atleta,  Una ang Pamilya, Veterans Freedom  Party, at You Against Corruption.

Ang mga bagong grupo naman na binigyan ng akreditasyon ay ang 1-Joint Alliance of Marginalized Group,  A Action Moral and Values Recovery Reform Philippines,  Abante

Retirees Party-list,  Advance Comunity Development in New Generation,  Ang Pro-life,

Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support,  Append Inc, Association of Marine Officer and Ratings,  Isang Alyansang Aalay sa Pinoy,  Isang Lapian ng Mangingisda at Bayan Tungo sa Kaunlaran,  Isang Pangarap ng Bahay sa Bagong Buhay ng Maralitang Kababayan,  Magdalo Para s Pilipino,  Mamamayan Tungo sa Maunlad na Pilipinas,  Migrante Sectoral Party of Overseas Filipinos and their Families,  OFW Family Club Inc,  at Uganay ng Maralita Laban sa Kahirapan.

Kasama naman sa mga party-list groups na diniskuwalipika ng Comelec sa eleksiyon ay ang dalawang incumbent party-list group na 1-Utak Transport Koalisyon, na kumakatawan sa transport sector; at ang Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines, Inc., na kumakatawan naman sa mga matatanda.

Ang existing group naman na 1st Kabagis ay diniskuwalipika rin, kasama ang bagong grupong Alona.

Matatandaang una nang diniskuwalipika ng Comelec ang may 109 grupo at hindi pinayagang tumakbo sa party-list race.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply