8 BIR execs in hot-water

BIR-HQ

WALONG key officials ng Bureau of Internal Revenue ang ‘hot-water’ matapos masabit sa katiwalian gaya ng umano’y ‘ill-gotten’ at ‘unexplainwealth,’ ‘extortion’ at ‘intimidation,’ paghingi ng lagay o ‘grease money,’ pagtanggap ng suhol, pagpapa-doble sa PR-money, paggamit ng private secretary at ‘sexual harassment.’

Kabilang din sa sinisiyasat ang isang division chief sa Large Taxpayers Service na diumano’y isinumbong sa Malacanang ng isang bank-teller matapos magdeposito ng malaking pera sa banko na bahagi ng kanyang ‘share’ sa ibinayad na buwis ng isang kilalang insurance company at bantog na pribadong ospital sa Metro Manila.

Kasong ‘robbery extortion’ naman ang kinakaharap ng isang revenue officer sa Bulacan na dinakip ng National Bureau of Investigation sa isang ‘entrapment operation’ matapos manghingi ng P100,000 sa isang negosyante.

Isa namang revenue district officer ang nahaharap sa kasong  ‘sexual harassment’ matapos ireklamo ng kanyang assistant na sinasabing umano’y lihim nitong kalaguyo. Ang RDO, ayon sa source, ay nahaharap din sa ‘unxplainwealth’ matapos patagin ang isang bundok at tayuan ng kanyang  rest-house sa  Tanay Rizal. Napipinto din itong madismis sa serbisyo dahil sa paggamit ng private secretary at pagkakaroon ng ‘dollar accounts.’

Kabilang din sa  ‘under-fire’ ang mga sangkot sa umano’y nabunyag na pag-obliga sa taxpayers para ‘doblehin’ ang ‘PR money’ na bahagi ng tinatanggap na ‘grease money’ o lagay sa mga tinatapos na ‘juicy tax cases sa LTRAD-3 at LTRAD-1  ng LTS. Isang alyas ‘Hermie’ na trusty ng umano’y opisyal ng LTRAD-3 ang siyang itinuturong may control sa lahat ng mga ‘juicy cases’ at may pakana ng sinasabing ‘double the PR’ sa bawa’t tinatapos na tax cases, bukod pa sa umano’y paghingi ng extra-bonus gaya ng cash, gifts, jewelries, ipod, ipon, laptops at iba pa.

Isa namang alyas ‘Rosita’ sa LTRAD-1 ang itinuturong nasa likod ng katiwalian na siyang sinasabing may control sa pagtatapos ng malalaking tax cases at kinasangkapan ng kanyang ‘boss’ sa  umano’y pagpatayo ng malaking bahay sa Masambong, bukod pa sa pagma-mayri nito ng malaking hardware, beauty parlor, warehouse, grocery at nakapag-abroad patungong Europe, Holy Land at USA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply