80th b-day ni Ninoy, simpleng ginunita

ninoy-aquino

SIMPLENG ginunita kahapon ang ika – 80 taong kaarawan ni dating Senador Benigno Aquino, Jr. na pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim bukod sa mga misang inalay para sa yumaong ama ng Pangulong Noynoy Aquino.

Isang pag-aalay ng bulaklak ang pinangunahan ni Mayor Lim sa Martyr Park sa may kanto ng P Burgos St at Roxas Blvd na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan ni Ninoy.

Samantala, isang pribadong misa naman ang inalay ng pamilya Aquino sa ika-80 taong kaarawan ni  Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City kung saan nakalibing ang dating senador.

Kasama ng Pangulo Aquino ang mga kapatid, pamangkin at kaibigan ng pamilya sa nasabing okasyon na isinara sa publiko at sa media.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply