9 bebot nasagip sa prostitusyon

NAILIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang siyam na babaeng Ilongga nang masagip ang mga ito mula sa prostition den sa Cuyo, Palawan.

Ang mga biktima ay dumating na kanina sa lungsod ng Iloilo matapos na na-rescue ng mga tauhan ng National Bureau of investigation (NBI) mula sa pinagtatrabahuhan bahay aliwan sa , Palawan.

Nabatid na ang mga babae ay na-rescueng NBI mula sa videoke bar sa Sitio Tabunan, Brgy. Suba, Cuyo na pag-aari ng mag-asawang Federico at Analiza Ramintas at isang Regie Dela Cruz.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoriad, ni-recruit ang mga biktima ng isang homosexual na nakilalang si Din-Din Dela Cruz ng Fajardo, Jaro, Iloilo City at pinangakuan ng trabaho bilang waitress sa Cuyo, Palawan subalit pagdating sa lugar, pilit silang pinapa-table sa mga kostumer ng videoke bar at pinipilit na pumayag kung nais silang ilabas.

Isa sa mga biktima na menor de edad ang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-kontak sa kanyang ina sa lloilo at nagsumbong sa NBI.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply