9 na kababaihan nasagip sa sex den sa Bataan

NASAGIP ng mga ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang siyam (9) na kababaihan na karamihan ay menor de edad sa isang sex den sa Bataan.

Ang pagkakasagip sa mge menor de edad ay bunga ng isinagawang raid sa Stardust Videoke and Restaurant sa Barangay Mountain View sa Mariveles, Bataan na ginagawang prente ng prostitusyon sa naturang lugar.

Nailigtas mula sa ‘sex den’ ang mga babae na may edad 16 hanggang 19 na taong gulang na mula sa Bataan, Bicol at Pampanga.

Arestado naman sa operasyon ang mga nag-o-operate ng ‘sex den’ na kinilalang sina Eric Yutok at Remaly Maigmakon.

Ang mga nasagip na menor de edad ay nasa kostudiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply