9 patay, 38 sugatan sa Undas – NDRRMC

SIYAM ang patay habang 38 ang sugatan sa nakaraang paggunita ng Undas sa buong bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang Alerto Undas 2012, naitala ang 11 aksidente, anim na sunog, dalawang insidente ng pagkalunod, at tig-isang bomb threat at robbery mula noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.

Sa Tagkawayan, Quezon, naitala ang vehicular accident kung saan nasawi ang dalawa at nasugatan ang lima katao.

Naitala rin ang isang vehicular accident sa San Manuel, Pangasinan kung saan dalawa rin ang nasawi; habang limang aksidente naman ang naitala sa North Luzon Expressway (NLEx) at pito ang nasugatan.

Samantala, nahulog naman ang isang pampasaherong bus sa Camarines Sur na ikinasugat ng limang pasahero.

Dalawa naman ang sugatan sa pagkasunog ng bagon ng Metro Rail Transit (MRT), nagkaroon din ng grass fire sa South Luzon Expressway (SLEX) at Manila South Cemetery; naitala rin ang sunog sa Quezon City, Pasay, Las Piñas at Pagadian City;

Kaugnay nito, naitala rin ang pagkasawi ng apat katao makaraang malunod sa Tabuk City, Kalinga at Mogpog, Marinduque.

At 57 kabahayan ang bahagyang nasira sa 15-minutong pagtama ng buhawi sa siyam na barangay sa Bacolod, Lanao del Norte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply