9-piyeng buwaya nasilo sa Palawan

NASILO ng mga residente ng Barangay Quinlogan, Palawan ang isang buwaya na mahigit siyam na talampakan ang haba.

Batay sa ulat sa radyo, ang buwaya ay nasa pangangalaga na ngayon ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center.

Sa ulat, ayon sa mga residente, nagdudulot ng perhuwisyo ang naturang buwaya dahil winawasak nito ang kanilang lambat sa panghuhuli ng isda sa sapa.

Nadiskubre rin ng mga residente ang pugad ng naturang buwaya at natagpuan ang 42 itlog nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply