9 rebeldeng NPA sumuko

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Malaki ang paniniwala ng militar na malaki ang tulong ng kanilang ginagawang information drive sa pagbabalik loob sa gobyerno na naging resulta ng siyam na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sunod-sunod na sumuko sa militar.

Sa panayam ng Remate kay Captain William Rodriguez, spokesman ng 1002nd Brigade, Philippine Army, sa siyam na sumuko, anim ang babae at tatlo ang lalaki kung saan wala ang mga itong dalang armas sa pagbalik loob sa gobyerno.

Dagdag pa ni Rodriguez, unang sumuko noong November 22 sina alyas Carlo at Nicole na miyembro ng Committee Front 54 na nakabase sa Santa Cruz, Davao del Sur.

Habang noong November 23 unang sumuko sa militar si alyas Bong na miyembro ng Commitee Front 74 na nakabase sa Magsaysay, Davao del Sur.

Sa naturang araw din sumuko ang anim na mga babae na sina Kumander Neneng at Kumander Nena at ang iba pang apat na nag-ooperate sa area ng Lake Sebu, South Cotabato, sa 27th Infantry Batallion, Philippine Army.

Ang mga nasabing rebelde ay sumuko dahil hindi na makatiis sa pagod at pagtatago sa bundok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply