A golfer’s victory

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT

ANG buhay ng tao ay tila isang laro, mayroong nananalo at may natatalo.

Sa minsan kong pagbisita sa San Francisco, USA ay nakilala ko ang isang Pinoy na waging-wagi sa larangang kanyang pinasok. Siya si Paul Velasco Tan, isang manlalaro, negosyante at guro.

Sa Amerika na ipinanganak at lumaki si Paul, at iilang beses pa lamang siyang nakabisita sa Pilipinas, subalit sa kanyang puso ay nananatili ang kanyang pagmamalaki na isa siyang Filipino. Filipina ang kanyang ina, samantalang isang Tsino naman ang kanyang ama.

Bata pa lamang ay mulat na sa mundo ng pagnenegosyo si Paul, sapagkat mayroong negosyong kung tawagin ay ‘mikihan’ ang kanyang pamilya, na mula pa sa kanyang lolo at lola.

“Yung grandfather ko ru’n sa atin, meron siyang noodle factory. ‘Yung tawag ba ‘yung ‘mikihan’. They made miki-bihon, meron silang factory nu’n. Meron din silang bukid, they have crops. So merong iba’t ibang negosyo sila ru’n. My father was involved in the noodle factory,” kwento niya.

Maliban sa mga negosyong ito, isang inhinyero rin ang kanyang ama na nagturo sa kanya kung paano maglaro ng golf.

Labindalawang taon siya nang matuto siyang mag-golf, hanggang sa unti-unti niyang na-master ang larong ito.

“Twelve years old ako when I first learned, tapos naglaro ako ng junior golf in San Diego, tapos high school, tapos some golf sa college. Tapos, after that I played in the tournaments,” saad pa niya.

Nang makatapos ng kursong Biology sa University of California-San Diego, nagdesisyon si Paul na magturo ng golf.

“After college I decided to go into golf instead of going into biology. I’m not an indoor person so mas maganda sa akin ‘yung golf, outdoor,” aniya.

Makalipas ang halos sampung taon na pagtuturo ng golf, nag-desisyon siya na pasukin ang pagnenegosyo. Nagtayo siya ng isang retail store – ang Peninsula Golf.

Noong una ay pailan-ilang brand lamang ang itinitinda ng golf shop niya subalit kalaunan ay lumaki at lumawak ang negosyong ito ni Paul, naging isa itong full service store.

“Peninsula golf sells golf equipment, we give instructions, we also do all the club repairs and other maintenance of golf equipment,” paliwanag niya.

Dahil sa negosyo niyang ito, nakilala at nakasama na rin niya ang ilang kilalang golfer gaya ni Tiger Woods.

Sa laro ng buhay, maaaring makaranas tayo ng pagkatalo at kabiguan, subalit hindi solusyon ang pagsuko, sapagkat kung patuloy tayong magsisikap at lalaban, balang-araw ay makakamit natin ang minimithi nating tagumpay.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply