Aapihin pala tayo ni “Bro” at reaction sa NCRPO collection

burdado-jun-briones2

NATATANDAAN pa ba ninyo kung kaninong campaign ads noong nakaraang halalan ang nagsasabing “bahala sa inyo si Bro . . . tutulungan kayo ni Bro.”

Hehehe, nagtatalsikan pa, parekoy, ang laway noon ni Sen. Franklin Drilon habang binabanggit niya ang mga pangakong ito sa atin!

Na para bang, kapag iniluklok natin siya sa Senado ay siya ang magiging taga-pagtanggol ng mahihirap!

Mahigit dalawang taon lang ang lumipas, iba na ang naganap kaysa nangyari!

Hak, hak, hak!

Palibhasa senador na si Drillon, palibhasa nakuha na ang mga boto natin kaya hindi na bahala sa atin si Bro!

Dahil si Sen. Drillon ngayon, parekoy, ang nangunguna sa pagsulong ng “sin tax” bill kung saan tiyak na maraming ma-hihirap na magtatanim ng tabako at trabahador sa pabrika ng sigarilyo ang tiyak na magiging kawawa kapag naipasa ito!

Bahal na kayo sa buhay ninyo! Tutal naihalal na si Bro!

Letse! Buti nga sa atin! Pwe!

-o0o-

YUNG paalala na may halong pagbabanta sa atin ay dume-depensa, parekoy, kay NCRPO Chief Gen. Leonardo Espina kaugnay sa “weekly collection activities” na ginagawa ng mga pulis na sina Jiggs at Jun Bernardino sa utos umano ni Col. Lee na nagpapakilalang “bag-man” ni Gen. Espina.

CP 09158957472, ‘yan, parekoy, ang pingmulan ng nasabing mga mensahe sa atin.

Ingat daw tayo sa pagsusulat at baka magkaroon ng mga kalaban. Hehehe. Tarantado rin itong hinayupak na ito.

Sa palagay mo ba kaya ako nagsusulat ay para magkaroon ng mga kaibigan? Ha? Itong klase ng pagsusulat ko matutuwa naman kaya ang mga demonyo sa akin?

Anuman ang nasa isip mo ay inaasahan ko na ‘yan, parekoy . . . Mag-unahan na lang kayong pagpapatay sa akin! Hak, hak, hak. Gago!

Sinisira ninyo ang pangalan ni Gen. Leonardo Espina!

Kung gusto ninyong manahimik ako ay itigil ninyo ‘yang pangongolekta sa mga iligalista at sa halip ay hulihin sila!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply