Abalos nagmakaawa kay Judge Mupas

benjamin-abalos

NAGMAKAAWA si dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos kay Pasay City Judge Jesus Mupas na baguhin ang nauna nitong desisyon na pagbasura sa mosyon na makalabas ng bansa upang mamili ng mga bangus fingerlings sa Taiwan.

Ayon kay Felda Domingo, tagapagsalita ng Pasay RTC Branch 112, binigyan ng korte ang prosekusyon upang magkomento sa motion for reconsideration ni Abalos, na nahaharap sa kasong electoral sabotage kaugnay sa umano’y anomalya noong 2007 elections sa North at South Cotabato.

Sa paliwanag ni Abalos sa kanyang mosyon, sinabi nito na ang kanyang apat na biyahe sa Taiwan ay kinakailangan dahil sa lugi ang kanyang negosyong hipon at nais niyang ipalit dito ay ang pag-aalaga ng bangus na lumalakas na negosyo.

Nais umano ni Abalos na personal na desisyunan at makita ang pinanggagalingan ng mga fingerlings at mga feeds na ipakakain sa mga ito.

Kasama sa mosyon na inihain ni Abalos ang desisyon ng Sandiganbayan na pumayag na lumabas siya ng bansa at pagbabayad ng P90,000 travel bond.

Nahaharap din  si Abalos sa hiwalay na kaso sa Sandiganbayan kaugnay sa nakanselang $329-milyon NBN deal sa kumpanyang ZTE Corp. ng China at ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply