Abalos pinayagang makabiyahe ng Pasay RTC Branch 117

benjamin-abalos

KINATIGAN ngayon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 117 ang motion to travel ni dating Comelec Chariman Benjamin Abalos.

Batay sa dalawang pahinang resolusyon ni RTC Branch 117 Judge Eugenio dela Cruz, nakitaan niya ang interest ni Abalos na harapin ang 11 counts of electoral sabatage na isinampa laban sa kanya.

Nakasaad din sa resolusyon na kailangang magpataw si Abalos ng halagang P10,000 bawat kaso na may kabuuang P110,000.

Kinakailangang makabalik ng bansa si Abalos mula sa Taiwan simula ngayon Nobyembre 27, hanggang Nobyembr 30.

Kailangan din mag-report sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas si Abalos sa Branch Clerk na si Atty. Luuithe Quitalig-Cabangunay.

Dahil dito, si Abalos ay nakatakda nang magtungo sa bansang Taiwan para sa business opportunity sa layuning mapalago ang negosyo nitong palaisdaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply