Abalos pinayagan ng korte na makabiyahe sa Taiwan

abalos3

MAKABIBIYAHE na sa labas ng bansa si dating Commission on Elections (Cmelec) Chairman Benjamin Abalos kakaraang pahintulutan ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) para mangtungo sa Taiwan.

Tuwang-tuwa ang kampo ni Abalos dahil makabibiyahe na patungong Taiwan para sa business opportunity sa layuning mapalago ang negosyo nitong palaisdaan.

Ayon kay Branch 112 Spokesperson Felda Domingo, nakita ng korte na sinsero si Abalos na babalik sa bansa matapos bumiyahe, na nakatakda bukas hanggang Nobyembre 30.

Bago bumiyahe palabas ng bansa, ipinaglagak ang dating Comelec chairman ng ng halagang  P200,000 cash bond.

Tulad ni dating Pangulong Gloria Arroyo, nahaharap si Abalos sa kasong electoral sabotage.

Kaugnay nito, wala pang desisyon ang korte sa 11 counts ng kasong electoral sabotage ng dating Comelec chairman, dahil hinihintay pa ang komento ng Comelec sa mosyon ni Abalos na submitted for resolution.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply