Abogado ng mga Ampatuan, kinasuhan ng tax evasion sa DOJ

DOJ

IPINAGHARAP ng tax evasion case sa Department of Justice ng Bureau of Internal Revenue ang  abogado ng mga Ampatuan na nakabili ng mga ari-arian ni dating Governor Andal Ampatuan.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, si Atty. Arnel Cortex Manaloto ay kinasuhan ng section 255 ng National Internal Revenue Code o pagkabigo na maghain ng tamang impormasyon sa kanyang income tax return noong 2011 at pagkabigo na maghain ng value added tax returns.

Aabot sa P27.56 million ang halagang hinahabol ng gobyerno kay Manaloto.

Sa imbestigasyon ng BIR nabigo si Manaloto na isama sa kanyang financial statements ang kinita na P20 million na ginamit upang makabili ng mga property ni Andal Ampatuan sa Davao City.

Samantala, kinasuhan rin ng tax evasion case ang gold trader na si Francois Joseph Xavier Rast.

Si Rast ang may ari ng Rast Metalor Phils dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang buwis para sa taxable years 2006 – 2009.

Si Rast ay nagbebenta ng gold at silver sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula 2006 – 2009 sa halagang P872.6 million ngunit ang idineklara lang nitong kita ay P123.3 million.

Aabot sa P558.03 million ang hinahabol na tax liability ng BIR kay Rast.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply