ABS-CBN talent, 2 beses ginahasa bago pinatay

QCPD

IBINUKO ng isa sa suspect sa pagdukot at pagpatay kay Julie Ann Rodelas, modelo at ABS-CBN talent, ay dalawang beses na ginahasa para turuan ito ng leksyon at kaya lamang pinatay ay namukhaan nito ang nobyo ng kanyang matalik na kaibigan na isa sa dumukot sa kanya.

Sa affidavit na kanyang ipinalabas matapos siyang maaresto,  isiniwalat ng suspect na si Jaymar Waradje, ang lahat ng detalye ng mga pangyayari na humantong sa pagpatay kay Rodelas.

Nauna nang inamin ng kapwa modelo at bestfriend ni Julie Ann na si Althea Altamirano, na plano niyang turuan lamang niya ito ng leksyon dahil sa pagpapakalat ng tsismis na mayroon na siyang dalawang anak.

Sa kabila nito, hinihintay pa ng QCPD ang resulta ng awtopsya sa bangkay ni Rodelas na lalabas anomang araw  ngayong linggo bago tiyakin kung ito nga ay ginahasa bago pinatay.

Teorya naman ni Chief Supt. Mario dela Vega, director ng Quezon City Police District (QCPD), na ang pangyayari ay nawalan kontrol na ang paraan lamang para takasan ito ay sa pamamagituan ng pagpatay sa 20-anyos na dalaga.

Sinangayunan naman agad ito ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, na wala talaga sa plano na patayin ang biktima.

Sa kanyang salaysay, sinabi nitong nilapitan sila ni Quiambao na kasama si Efren Talib noong Nobyembre 5 sa kanilang bahay sa  Lanao street sa Salam Mosque Compound para humingi sa kanila ng tulong hinggil sa taong peste sa buhay ni Alatamirano.

Dahil lubog sila sa utang kay Quiambao kaya sila pumayag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply