ABS-CBN talent nailibing na

NAILIBING na kaninang umaga ang pinaslang na model at dating ABS-CBN talent na si Julie Anne Rodelas.

Bandang alas-8:40 ng umaga nang inilabas sa kanilang tahanan sa Bagong Lipunan CAA, Las Piñas City ang labi ni Rodelas kung saan marami ang nakipaglibing na kapwa nakasuot ng putting damit.

Kabilang ang mga kapitbahay ng pamilya Rodelas, mga kaklase ni Julie Anne sa Arellano University at maging mga imbestigador ng kaso mula sa Quezon Ciy Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang naghatid sa mga labi nito.

Inihatid muna sa Mary Queen Apostles Parish sa Parañaque ang labi para sa huling basbas at misa.

Inalalayan din ng mga tauhan ng QCPD at Las Piñas Police ang funeral procession ni Rodelas.

Alas-11:20 na ng tanghali nang mailagak sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas si Rodelas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply