Abu Sayyaf nasakote sa Basilan

arestado

NASAKOTE ng pinagsanib-pwersa ng Philippine National Police (PNP) at sundalo ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Lamitan, Basilan.

Ayon kay Captain Alberto Caber, tagapagsalita ng First Infantry Division ng Philippine Army, nahuli si Abu Benjamin sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang joint operation ng PNP at military intelligence unit, tropa ng 32nd Infantry Battalion at ng Special Action Force (SAF) na ipinalabas ng 9th Judicial Regin Branch 1 sa Lamitan City, para sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Si Abu Benjamin ay isa sa mga bandido na itinuturong responsable sa pag-atake at pagdukot sa 20 katao kabilang ang ilang banyaga sa may Dos Palmas Island Resort sa Palawan noong ika-27 ng Mayo 2001 kung saan lima sa kanila ang walang awang pinatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply