AFP, nagbibigay ng private army sa mga mining company

BINIBIGYAN ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang mga kumpanya ng pagmimina ng kanilang mga private army, ayon sa isang progresibong mambabatas.

Sinabi ni ACT Teachers Party congressman Antonio Tinio, sa AFP nanggagaling ang umanoý mga mining militia na siya namang pinagmumulan ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Dagdag ng kongresista, ang mga pambansang minorya na nagtatanggol ng kanilang mga ninunong lupain ang palaging biktima ng pagpatay at pang-uupat.

Ito ang ipinapakita ng papalalang militarisayon ng Sitio Balabag sa Zamboanga del Sur na erya ng pagmimina ng TVI, isang Canadian na kumpanya.

Ang ACT ang isa sa mga party list na naghain ng House Resolution 2246 na nagsasagawa ng imbistigasyon sa koneksyon ng pagmimina, militarisasyon at mga paglabag sa karapatang pantao sa isla ng Mindanao.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply