Aga hindi pa diskwalipikado

IPINAGTANGGOL ng beauty queen turned TV host na si Charlene Gonzales ang kanyang mister na si Aga Muhlach hinggil sa kinakaharap na disqualification case sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa aktres, marami lamang ang naninira at sumusubok sa kakayahan ni Aga pero hindi ibig sabihin na sila ay susuko na sa laban.

Buo ang loob nilang mag-asawa na iiral ang hustisya  kasabay ng paglilinaw na hindi pa tuluyang nadi-disqualify ang kanyang mister.

Sa tingin din ni Gonzales, may nangyayaring harassment mula nang sila ay magparehistro bilang mga botante ng Camarine Sur.

Sa pagdinig ng Comelec sa kinakaharap na disqualification case ng aktor, iginiit ni Aga na kuwalipikado itong tumakbo bilang kinatawan ng Camarines Sur sa Kamara de Representantes ngayong halalan.

Maalala na noong nakaraang buwan, naghain ng disqualification case sa Comelec ang isang Gilmar Pacamarra laban kay Muhlach dahil hindi umano Filipino citizen ang aktor.

Tinukoy ng complainant ang Spanish passport na pag-aari ng kandidato noon pang 2011. Bagama’t inaasahan na ni Aga na hindi magiging madali ang kanyang pagpasok sa politika pero nakahanda naman siyang matuto.

Ang ama ni Aga na si Alvaro Muhlach ay mula sa angkan ng mga Espanyol pero sa Pilipinas isinilang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply