Agawan sa pagkanta, 5 nagrambulan

HUMANTONG sa rambulan ang agawan sa pagkanta ng “Pusong Bato” ng apat na lasing na kostumer sa Naga City kaninang madaling araw.

Nakakulong ngayon at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasangkot sa gulo na sina Dennis Imperial Bucenio, Rex Baltazar, Nathaniel Garcia, James Rial, pawang mga customer at isang Benjie Sanchez na waiter sa “Hand Sweet Videoke Bar.”

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:20 kaninang madaling araw sa loob ng nabanggit na videoke bar na nasa Barlin Street, Naga City.

Bago ito, nagri-request ang mga suspek na kakantahin nila ang Pusong Bato na pinasikat ni Rene “Alon” dela Rosa pero lingid sa kanila ay halos silang lahat ay ang naturang kanta ang kanilang nais isalang para kantahin.

Nang patugtugin na ng disc jockey ang minus one, hindi na ngayon malaman ng waiter na si Sanchez kung kanino ibibigay ang mikropono dahil sabay-sabay na hinihingi ito sa kanya ng apat na kostumer.

Sa puntong ito, si Sanchez ang nalagay sa alanginin hanggang sa magrambulan ang apat na kostumer kabilang ang nasabing waiter.

Sa rambulan, nabasag ang ilan sa mga bote ng beer, upuan at iba pang gamit sa loob ng videoke bar.

Sa pagresponde ng pulisya, inaresto agad ang mga kustomer na langung-lango na sa sobrang kalasingan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply