Aiko, Ara gustong magkabati ni Vice Gov. Daniel Fernando

ara-mina

NAKARATING hanggang Bulacan ang word war nina Aiko Melendez at Ara Mina. Siyempre naman, taga-Bulacan si Mayor Patrick Meneses at dahil rito, hangad ng actor/politician Vice Gov. Daniel Fernando at Bulacan peacemaker Mayor Enrico Roque na magkaayos at magkaunawaan na ang dalawa.

Napag-uusapan na rin lang si Mayor Rico ng Pandi, dahil sa mahusay siyang public servant kaya kanya ang buong suporta ni Gov. Willy Alvarado at iba pang Mayor. Sa maikling panahon ng kanyang panunungkulan, nabigyan niya ng ospital at kolehiyo ang bayang Pandi.

Matagal ng magkaibigan sina Vice Gov. Daniel at Mayor Rico. Actually, marami noon na nag-alok kay Mayor Rico na mag-artista pero hindi ito nangyari.

Lagi namang nagbabasa ng Remate ang mga Kababaihan ng Pandi, Bulacan. Ipinahayag nilang patuloy ang suporta nila kay Mayor Rico Roque.

Loyalista sila ng gwapong alkalde.

***

Hindi pa laos si Regine

PINAGTATAWANAN ngayon ng mga Bulacan loyalist ni Regine Velasquez ang intrigang laos na siya.

Hindi po malalaos si Regine dahil talented siya. Ngayon pa na matapat si Regine at inamin na ang kanyang tunay na edad? Sa totoo, laging nasa kanyang tabi ang mga loyalista at supporters.

****

No comment ang Albie Casino fans

NO COMMENT raw ang mga fans ni Albie Casino sa napabalita at napalathala na pag-ayaw ng pamilya ng boyfriend ngayon ni Andie E. Wala raw silang pakialam. Ang pag-ayaw raw lamang ng pamilya Casino na Idolo nila ang kanilang pinakikialaman.

Period.

***

Labanan ni Iwa Moto sa Cavite

INAABANGAN na ang pagdating ni Iwa Moto sa Cavite bilang suporta sa kanyang boyfriend na kandidato rito. Tiyak na magbabanggaang muli sila ni Jodi Sta. Maria. Hindi raw marunong umuurong sa laban si Iwa. Abangan natin ang susunod na kabanata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply