Akala’y photo shoot: Carmina nagulat nang totohanan pala ang kasalan

GINULAT ni Zoren Legaspi hindi lamang ang buong sambayanan kundi maging ang kanyang ‘honey’ sa loob ng 12 taon na si Carmina Villaroel sa inihanda niyang sorpresang proposal at kasalan na ginanap kahapon (Huwebes, Nobyembre 15) sa Fernbrook Garden sa Alabang, Muntinlupa City.

Magkahalong pagkagulat at saya ang nadama ni Carmina sa biglaang paghatid sa kanya sa altar ni Zoren dahil inakala nitong isang photoshoot lamang para sa isang commercial ang kanyang pupuntahan noong araw na iyon.

“Finally, heto na talaga! Hindi naman na kelangan pero somehow tinupad ni Zoren. Sobrang saya ko,” emosyonal na pahayag ni Carmina sa eksklusibong interview ng “Showbiz Inside Report” na ipalalabas bukas, (Sabado) sa ABS-CBN.

Sa tulong ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassy, ng mga pamilya Legaspi at Villaroel, at ng ABS-CBN, nagawang itago ni Zoren sa loob ng halos dalawang buwan ang mga detalye ng kanyang preparasyon para sa kasal.

Kabilang sa mga dumalo sa kasalang Carmina at Zoren ang kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Kabilang sa mga ninong at ninang sina Grace Poe Llamanzares, Eric Quizon, at Kris Aquino.

Huwag palampasin ang exclusive coverage ng sorpresang proposal at kasal nina Carmina at Zoren sa top-rating at trending showiz entertainment talkshow na ito ng bansa ngayong Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

***

Veteran actress inumaga sa kahihintay ng donasyon

AKALA namin kaya umapir sa show ng isang female rock singer ang veteran actress na sumikat nung dekada sisenta at hanggang ngayon ay aktibo pa rin, ay para suportahan ang nasabing mang-aawit, iyon pala’y nag-aabang ito sa pagdating ng isang may edad na personalidad na nagbibigay sa kanya ng 50 kiyaw (50 thousand pesos) sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas. Nabalitaan kasi nitong manonood daw ng palabas ang nasabing rich personality. Ngunit natapos ang show nang 12 midnight pero hindi dumating ang inaasahan niyang tao.

Awang-awa kami sa veteran actress dahil makailang beses na bumagsak ang ulo nito sa sobrang antok, at minsan ay matagal-tagal na nakaiidlip at pag naalimpungatan ay agad tatanungin ang kasama nitong talent manager na may anak na artista kung nandiyan na raw ba ang hinihintay niya.

Nanlulumo ito kapag sinasabing wala pa ang magbibigay sa kanya ng donasyon.

Umuwi si VA na bagsak ang dalawang balikat at nakisakay lamang sa caru ni TM.

Akala namin glorya na ang buhay niya dahil sa tagal niyang naging artista?

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.       

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply