Akbayan, Bayan Muna, pinayagan ng Comelec sa 2013 polls

comelec-3

SA kabila ng disqualification cases na kinakaharap ay pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga grupong Akbayan at Bayan Muna na makasali sa May 2013 party-list race.

Sa botong 4-2, pinayagan ng Commission en banc na lumahok sa halalan sa susunod na taon ang nabanggit na dalawang grupo.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., kabilang sa mga bumoto pabor sa pagkandidato ng Akbayan at Bayan Muna ay sina Commissioners Rene Sarmiento, Elias Yusoph, Christian Lim at Armando Velasco.

Tumutol naman sina Brillantes a Commissioner Lucenito Tagle, habang nag-abstain sa botohan si Commissioner Grace Padaca dahil hindi siya nakalahok sa mga deliberasyon sa naturang kaso.

Sinabi ni Sarmiento na pinayagan nila ang dalawang grupo na makasali sa party-list race dahil pareho namang may track records ang mga ito nang pagkatawan sa mga marginalized at underrepresented sectors.

Ipinaliwanag nito na, alinsunod sa Bagong Bayani vs. Comelec Supreme Court ruling, hindi basehan ng diskuwalipikasyon ang kuwestiyon na ang Akbayan ay hindi na kumakatawan sa mga marginalized dahil sa ilan sa mga miyembro nito ay nakaupo na sa gobyerno.

Ayon naman kay Brillantes, pumabor siyang madiskuwalipika ang Akbayan dahil sa pagiging multi-sectoral nito.

Nabatid na dalawang kaso ng diskuwalipikasyon ang isinampa sa Comelec laban sa Akbayan, kabilang ang inihain ng grupong Anakbayan, League of Filipino Students, Kilusang Mayo Uno, at iba pa at ang kasong inihain nina Fr. Jose Dizon ng poll watchdog na Kontra Daya, Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, at Renato Reyes Jr. ng Bagong Alyansang Makabayan.

Iginigiit ng mga ito na hindi na kumakatawan sa marginalized ang grupo dahil marami sa mga miyembro ng Akbayan ang nakaupo na sa posisyon at kaalyado ng administrasyon, na kinabibilangan nina Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, Commission on Human Rights chairwoman Etta Rosales, National Anti-Poverty Commission chairman Joel Rocamora at GSIS board member Mario Agujo.

Samantala, ang Akbayan member naman na si dating Cong. Theresia Baraquel, ay tumatakbong muli sa senatorial race sa ilalim ng administration coalition, matapos na matalo noong 2010 senatorial polls.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply