Akbayan nasa balag pa ng alanganin

NANANATILING nasa balag ng alanganin ang kapalaran ng grupong Akbayan kung papayagan ba ito ng Commission on Elections (Comelec) na makalahok o hindi sa May 2013 midterm elections.

Nabatid na muling nabigo ang Commission en banc na makapaglabas ng pinal na desisyon sa kinakaharap na disqualification case ng Akbayan.

Inamin rin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na dikit ang botohan nila sa pagdedesisyon kung papayagang makalahok sa halalan ang grupo.

Ipinaliwanag ni Brillantes na bagama’t mayroon ng majority opinion, hinihintay pa rin nila ang dissenting opinion ng iba pang commissioners.

Idinagdag pa ni Brillantes na masyadong dikit ang kanilang mga naging botohan, gaya ng 4-3 at 5-2.

Gayunman, tumanggi naman ang opisyal na ihayag kung ang mga boto na ito’y pabor sa Akbayan o hindi.

Aniya pa, posibleng sa Lunes ay mailabas na ang pinal na desisyon sa kapalaran ng Akbayan.

Matatandaang ilang grupo ang humihiling na madiskuwalipika ang naturang grupo sa eleksiyon dahil hindi na umano ito marginalized dahil ilan sa mga miyembro nito ay nakapuwesto na sa gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply