Matapos madiskwalipika, Ako Bicol nang-aaway na

INAAWAY ng diskuwalipikadong Ako Bicol ang isa pang partylist group na mula rin sa rehiyon ng Bicol.

Naiulat na inakusahan ni Representative Rodel Batocabe ng Ako Bicol, isa sa mga nadiskwalipika ng Commission on Elections, ang partidong Aking Bikolnon na isa sa mga nagsulong ng desisyon ng Comelec.

Ngunit itinanggi naman ito ng president ng Aking Bikolnon na si Atty Edgar Carmona, bagamat sumasang-ayon umano ang kanyang grupo sa diskwalipikasyon ng Ako Bikol.

Dagdag ni Carmona, hindi rin daw sumasakay sa popularidad ng Ako Bikol ang Aking Bikolnon, tulad ng sinabi ni Batocabe.

Ang totoo, ayon sa Aking Bikolnon, kasinungalingan ang naturang paratang, katulad ng kawalang katotohanan sa pagiging marhinalisado ng Ako Bicol.

Ayaw na ayaw ng Aking Bikolnon na maiugnay sa mga pekeng partylist tulad ng Ako Bicol, paliwanag pa ni Carmona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply