Aktibidad sa National Thanksgiving Mass ni San Pedro Calungsod, nagsimula na

UMARANGKADA na ang mga aktibidad bago ang National Thanksgiving Mass para sa kanonisasyon ni San Pedro Calungsod sa South Road Properties, Cebu City, mamayang alas-5:00  ng hapon.

Ang thanksgiving mass ay pangungunahan ni His Eminence Ricardo Cardinal Vidal, ang Archbishop Emeritus ng Cebu.

Kaninang umaga ay daan-daan nang pulis ang ipinakalat sa lugar upang tiyakin ang seguridad sa buong kapaligiran.

Kaninang alas-11:00 ng umaga nang nagtipon-tipon ang mga lalahok sa foot procession, at ang mga parish sa hilagang bahagi ng Cebu ay nagtipon sa D. Jakosalem St. habang sa Talisay Fish Port naman nagtipon ang South Parishes.

Tanghali naman nang gawin ang isang misa para sa konsekrasyon ng ostiya sa Blessed Sacrament Chapels.

Mamayang ala-1:00  ng hapon magsisimula ang foot procession, alas-2:00 naman uusad ang fluvial procession mula sa Ouano Wharf patungo sa SRP at kasabay nito ang pagsisimula ng kumpisalan sa Blessed Sacrament Chapels.

Isang cultural show naman ang gagawin pagkatapos ng misa, na susundan ng fireworks display.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply