Aktor ipinagtayo ng bahay worth P500K ang kanyang driver!

blind item

ANG sobrang mapagbigay sa kapwa ay hindi pala sa lahat ng oras ay kabutihan ang magiging balik sa’yo. Katulad ng aktor na ito na nawalan nang pamilya dahil sa kanyang walang pakundangang pagtulong sa mga kaibigan. Maging ang kanyang driver ay nakatanggap ng kanyang tulong.

Imagine, worth 500 thousand na bahay ang naipatayo ng una sa kanyang driver. Pautay-utay naman daw ang paggawa ng matitirhan ng huli hanggang sa matapos ito at umabot nang kalahating milyon ang nagastos.

Itinago ng mabait na aktor ang ginawa niyang ito sa kanyang pamilya dahil tiyak na bulyaw ang aabutin niya sa kanyang misis na sobrang dakdakera raw at mahilig makipagkaibigan sa mga mayayamang politiko.

Hanggang ngayon ay walang may nakaaalam nito.

Ang nasabing driver ay wala na sa kanyang poder ngayon, pero nagsilbi ito sa kanyang ng 17 years. Samantalang ang kawawang aktor ay nilayasan nga ng asawa dahil sa ugali nitong gastador at walang kawawaan kung magtapon ng pera. Sa kabila ng lahat, matatag pa rin ito at unti-unting bumabangon.

***

Carmela W. Malay ibang klase ang alindog

NAKU! Tiyak na magsisisi ang mga barako kapag pinalampas nila ang One Night Sexy Meet & Greet Show ni Carmela W. Malay sa Linggo, December 2, 6 pm sa Candy Shop Super Club, Quezon Ave., Q.C na katabi lang ng Halili-Cruz School of Ballet at Folded and Hung Bldg.

Sa halagang P500 lang ay magsasawa na ang kanilang mga mata sa alindog ni Carmela at mga kasama nitong mga sexy ding katulad niya, at makatatanggap pa sila ng souvenir items kung saan habang hawak nila ito ay patuloy nilang papantasyahin ang kaseksihan ng dalaga.

Kaya wag nang magpatumpik-tumpik. Isang gabi lang ito. Sugod na mga manyakis, este, mga maginoong katulad ko at pintahan natin ang kagandahan ni Ms. Malay!

***

Ngayong Linggo sa AHA! Tuloy pa ba ang Pasko o Gunaw na ng Mundo?

SA DECEMBER 21, 2012 magtatapos ang 394-year cycle ng Mayan calendar. May mga naniniwalang ang petsang ito na raw ang kinatatakutang araw ng ‘gunaw’ ng mundo, ayon sa prediksyon ng mga Mayan.

Kahit na ang karamihan ay hindi alintana ang prediksyong ito, posible nga bang magkatotoo ang gunaw ng mundo bago mag-Pasko? May basehan ba sa siyensiya para ito’y ating paniwalaan?  Ang iba ay sa nasusulat sa Bibliya ukol sa ’Armageddon’ ang takbuhan at pinanghahawakan. Habang ang ilan naman ay naniniwala sa Pranses na manghuhula na si Nostradamus ukol sa katapusan ng mundo.

Sunod-sunod na nga raw ang dumarating na mga senyales— lindol, matinding ulan, tsunami, pagsabog ng bulkan, sinkholes, solar flares, pag-ulan ng isda, at iba pang mga kagila-gilalas na pangyayari sa ating kapaligiran. Anu-ano pang signos sa kalikasan ang sinasabing magwawakas sa sanlibutan?

Alamin ang sinasabi ng siyensiya at ng mga eksperto ukol dito. Tumutok sa “AHA!” kasama si Drew Arellano sa mas maaga nitong oras na 8:15am ngayong Linggo,  Disyembre 2, sa GMA-7.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.   

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply