Akyat bahay kinuyog sa Las Piñas, lamog

akyat-bahay

KINUYOG ng mga galit na kalalakihan ang isang miyembro ng “Akyat Bahay Gang” na nagresulta sa kanyang pagkakabugbog nang mahuling nagnanakaw sa loob ng bahay ng isang landscaped contractor kaninang madaling-araw sa Las Piñas City.

Bugbog sarado ang suspek na si Nomark Locilo, 22, ng Acacia St., Villa Esperanza, Bacoor, Cavite na kaagad isinugod sa Las Piñas District General Hospital and Sattelite Trauma Center sanhi ng mga pinsala sa mukha at katawan.

Ayon kay Las Piñas police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, nagawang makapasok ni Locilo sa loob ng bahay ng biktimang si Levi Seijo, 42, sa 62 Estanislao St., BFRV Talon 2 at isinisilid na sa isang plastic bag ang mamahaling laptop, Neo tablet at Samsung galaxy cellphone nang magising ang asawa ni Locilo.

Nang matunugan ng suspek na nagising ang mag-asawa, kaagad na lumabas ng bahay subalit hinabol na siya ni Seijo habang nagsisisigaw na humingi ng tulong na nakatawag pansin sa kanyang mga kapitbahay sa pangunguna ng isang Frederick Carmona.

Naabutan ng mga humahabol na kalalakihan ang suspek subalit nagtangka itong manlaban kaya pinagtulungan na siyang dumugin.

Nakuha sa suspek ang mamahaling cellphone habang ang laptop at neo tablet na nakapaloob sa plastic bag ay nabawi sa compound ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply