Alahas ng imahe ng Birheng Maria sa Lapu-Lapu City, ninakaw

blessed-virgin-mary-lapu-lapu-city

PINITAS ng hindi nakikilalang kawatan ang mga alahas na nakasuot sa imahe ng Birheng Maria sa Lapu-Lapu City Church, Miyerkules ng gabi (Nobyembre 28).

Bukod pa rito, kasama rin na tinangay ang mga envelopes na pinaniniwalaang naglalaman ng mga cash donations mula sa mga deboto dahil ang ilan dito ay natagpuang nakakalat sa sahig.

Teorya naman ni Police Senior Chief Inspector Christian Torres, na malaki ang posibilidad na isa itong inside job.

Sinabi rin ni Torres na siyang hepe ng Theft and Robbery Section ng Lapu-Lapu City police station, na wala ring bakas ng forced of entry sa crime scene.

Ipinagtataka rin ni Torres kung bakit nilinis agad ang crime scene. Maaari kasing may mawalang mga pira-pirasong ebidensya sa paglinis.

Mismong si Virgilio Camposo, maintenance-in-charge ng naturang simbahan ang nakadiskubre na nawawala ang mga alahas na suot ng estatwa ng Birheng Maria tulad ng precious ring at bracelet. Basag na rin ang aparatong pinaglalagyan ng imahe nito.

Wala namang silbi ang nakakasang CCTV camera sa loob ng simbahan dahil matagal na itong hindi gumagana, ayon sa kura parokya na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Samantala, sinabi ni Ricardo Lakite, hepe ng Parish Security Group na walang tao nang maganap ang sinasabing pagnanakaw at tiniyak nito na sarado ang mga pintuan ng simbahan.

Sa ngayon, kinunan na ng mga police investigators ang fingerprints ng siyam na church personnel habang patuloy na ikinakasa ang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply