Alaska hinigop ng Mixers

mixers

HINABOL ng San Mig Coffee Mixers ang 10 puntos na nilamang sa kanila ng Alaska Aces upang ilista ang 77-68 panalo ng una sa Phoenix Fuel PBA Road On Tour sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu kagabi.

Angat ang Aces, 22-12 may 5:59 pang oras ang nalalabi sa second period subalit natapyasan ito ng Mixers sa apat, 26-22 sa half time.

Paglarga ng third quarter ay nagsimula ng mag-init ang pambato ng San Mig Coffee na si James Yap kasama sina Joe Devance at Peter Simon upang hablutin ang lamang, 47-43 papasok ng final period.

Hindi na muling lumingon sa likod ang Mixers sa fourth quarter upang ilista na rin ang 6-2 panalo-talo karta.

Nagtrangko si Devance ng 18 puntos, 15 points kay Simon at 11 pts. Ang kay Yap.

Nag-ambag din si Mixer point guard Mark Barroca ng 15 markers.

Malaki ang mga numerong inambag nina Cyrus Baguio, Jayvee Casio at Sonny Thoss subalit kinapos pa rin ang Aces.

Bumira si Baguio ng 19 markers, habang tig 12 at 11 puntos sina Casio at Thoss ayon sa pagkakasunod.

May barahang 5-4 win-loss ang Alaska.

Samantala, kakasahan ng Brgy. Ginebra Kings ang league leader Talk ‘N Text Tropang Texters ngayong 6:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena habang sa unang sultada na mag-uumpisa ng 4:15 ng hapon ay mapapanood ang labanan ng Petron Blaze Boosters at Meralco Bolts.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply