Aljur Abrenica, tinawanan lang ang date issue sa kanila ni Vice Ganda!

vice-ganda

MARIING pinabulaanan ng guwapong actor na si Aljur Abrenica ang mga sitsit at mga issue na lumalabas na umanoy madalas silang mag-date ni Vice Ganda. Ayon pa kay Aljur, walang eksena at katotohanan na nakikipag-date siya kay Vice. Wala siyang panahon na makipagmabutihan sa baklush na ito dahil marami raw siyang mga pinagkakaabalahang proyekto mula sa kanyang mother studio na GMA7.

Bukod pa roon, sobrang dami rin ngayon ang proyektong ginagawa niya sa kapuso network kaya malayo talagang mangyari ang sinasabi umano ni Vice at ng kampo nito na nakipag-date pa sa kanya ang guwapong actor na kaibigan ni Jobert Sucaldito.

‘Yun lang.

Kamakailan lang, nag-press release ang nasabing vaklush ukol sa binigyan raw niya diumano ng brand new car ang isang basketeer na sinasabing boyfriend raw nito. Pero may nakapagbulong sa amin na ilusyon lamang iyon ni Vice at walang katotohanan na binigyan niya ng isang kotse ang nabanggit na basketeer.

Si Vice pa na nuknukan ng kakuriputan magbibigay ng caru?

Hello?

Sa totoo lang, hindi kami naniniwala na sobrang yaman na ng baklang ito para makabili ng bagong kotse para ibigay lang sa naturang basketer.

Honestly, afford siyang i-date sa mamahaling restaurant si Aljur. 100% na naniniwala kami na ilusyunada lang ang baklang ito kahit itanong mo pa kay Lito De Guzman at mga Wonder Gays.

Minsan kasi, may isang kaibigan na lumapit kay Vice at humingi ng tulong rito pero tumanggi raw ang hitad.

Kaya kung ako kay Vice, itigil na niya ang kanyang pagyayabang at ilusyon. Watch na lang kaya siya sa darating na concert ni ate GAY ngayong November 30 sa MOA Arena kung saan guest raw nito si Nora Aunor.

Kaloka, ha? Baka after ng nasabing concert at pag bibigay pugay rito kay Ate GAY ay biglang malaos si Vice Ganda at si Ate Gay na ang namamayagpag sa industriyang ito. Kunsabagay, matagal na naming minimithi na sumikat si ate Gay dahil bilib kami sa paraan ng pagpapatawa nito sa kanyang mga show. Di ba kagaya ni Vice na kung hindi awkward ay offensive sa mga nanonood ng kanyang show. kadalasan nga ay nagwo-walkout ang mga audience sa kanyang mga performance nung hindi pa siya sikat at napanonood pa namin sa Punchline Quezon Avenue.

Para kay Ate Gay, isang malaking Goodluck sa iyong show. Tutal hayagan naman ang pagpro-promote nito kay Ms. Nora Aunor na maggi-guest siya at susuporta sa kanyang konsyerto.

And speaking of Ms. Nora Aunor, the one and only superstar, mas excited pa ito ngayon na mapanalunan ang best supporting actress category sa darating na Metro Manila Film Festival para sa kanyang pelikulang El Presidente with Emilio Aguinaldo A.K.A Governor ER Ejercito.

Kunsabagay, challenging naman talaga ang kanyang role sa pelikula bilang second wife ni Emilio Aguinaldo.

Si Mama Guy pa na kahit anong role ang isalpak mo riyan ay kanyang mabibigyan ng justice.

Ano sa palagay mo, Tito Jobert?

First time raw kasi ni Nora Aunor na ma-nominate sa kategoryang ito (Best Supporting Actress) at mas kaabang-abang kung sakaling si Nora Aunor ay hindi pa mag-win?

Pero ngayon palang, malakas talaga ang bulung-bulungan na si Mama Guy raw ang mag-uuwi ng tropeyo para sa Best Supporting Actress sa El Presidente.

***

THIS December 15, 2012, magkakaroon pala ng FUN RUN (www.EFBFoundation.org) sa may NBP Jamboree Lake Poblacion, Muntinlupa. FUN RUN will start at 7:00 AM. For those interested, please contact this number 09175121269 and look for Ernito F. Baldo, Lao G. Mira, Bong Sona and Lito Tabornal.

At sa 200 PESOS na entrance, may FREE T-SHIRT na ang bawat participant at ang kikitain nito ay mapupunta roon sa mga scholars ng nasabing foundation (EFBfoundation a non-profit organization) kaya dapat suportahan ng ating mga kababayan riyan sa Muntinlupa ang proyektong ito ni Direk Lao at ni Agerico Panopio, president ng Nazerno cursillo group na tumulong rin sa pag -organize ng FUN RUN na ito.

Nanawagan rin kami sa butihing mayor ng mMuntinlupa na si Mayor Aldrin San Pedro na sana’y suportahan niya ang proyektong ito dahil sa may mapupuntahang kabutihan ang kikitain nito. Di ba, Direk Lao G. Mira na balita namin ay siya ring producer ng pelikulang Hada 2 na balita namin ay malapit nang magsimulang gumiling ang kamera.

Para sa iba pang detalye at impormasyon, i-search n’yo po sila sa website na ito www.efbfoundation.org.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply