Aljur, Robin nagkausap na!

aljur-abrenica

NAGKAUSAP na pala ulit sina Aljur Abrenica at Robin Padilla. Balitang ikinatuwa ito ni Kylie Padilla, ang anak ng action star na rumored girlfriend nga ng Kapuso actor.

Napatunayan ni Aljur na malinis ang kanyang hangarin sa dalaga at kaya niyang manindigan at magpakalalaki sa pagharap at pakikipag-usap kay Robin.

“Malinis naman po talaga ang hangarin ko kay Kylie. Hindi po ako masyadong nag-aano sa telebisyon. Sa personal po ako. Hangga’t maaari po, mas gusto ko sanang private na lang kung anuman ‘yong tungkol kay Kylie.”

“Naging maayos naman po ‘yong pag-uusap namin (ni Robin). Bilang isang ama kasi, naiintindihan ko siya.”

“At bilang isang… kung saan man po ako sa posisyon ko, nagkaintindihan naman po kami at wala namang namuong galit o anuman. Walang away kundi maayos na usapan lang po.”

May basbas na ba si Robin kung ‘yong hangarin niya kay Kylie ang pag-uusapan?

“Hindi ko alam. Siya na lang ang tanungin ninyo. E… sa akin naman kasi, alam naman ng lahat. Although ganito kami, e… si Kylie lang naman, e.”

Boto ba o hindi sa kanya si Robin sa pakiramdam niya?

“Hindi ko po alam. Ako naman po kasi, hangga’t maaari, e sinusunod ko po ‘yong gusto nila. Siyempre bilang isang ama, rerespetuhin n’yo rin po siya at saka ‘yong pamilya nila.

“At saka ‘yong relihiyon nila, rerespetuhin mo ‘yon, e.

“Ang akin lang naman, ang pinanggagalingan ko lang naman kasi kaya ko po nagagawa ito…e para kay Kylie. At kung masaya po si Kylie, masaya na rin po ako.”

Pareho naman silang masaya ngayon sa anumang namamagitan sa kanila, di ba?

“Masaya ako. Masaya rin ako para sa kanya. “Maayos po kami ngayon,” dagdag niyang nakangiti. “Nagkikita kami minsan. Nagkakausap naman po kami.

“Pero hindi po namin talaga pinapabayaan ‘yong trabaho namin. Mas priority po namin ‘yong trabaho.

“Oo, e. Kasi kung saan man ako, kasama rin si Kylie. Kasama rin siya sa mga desisyon ko kung nasaan man po ako ngayon.”

‘Yon nga lang, ang AlKris na mga loyal supporters ng loveteam nila ni Kris Bernal, sila pa rin ang gusto ng mga itong magkatuluyan. Totoo bang kung minsan ay naha-harass na ng mga ito si Kylie? “Kasi po, siyempre hindi ko rin po masisisi ang mga fans. E, humahanga lang naman po talaga sila sa amin ni Kris,” mahinahon niyang paliwanag.

“And maliban sa paghanga, nakikita ko rin po na mas higit pa sa pagiging magka-loveteam namin ni Kris ang gusto nila. Na… ‘yon nga, mauwi sa totohanan.

“Pero sinasabihan ko na lang si Kylie na huwag na lang niyang pansinin. Na… hayaan na lang niya kasi mga fans ‘yan at may sari-sarili tayong opinyon. May sari-sarili tayong gusto. Respetuhin na lang natin.

“At saka sa mga fans, a… mga tao rin lang kami. Si Kylie may damdamin rin. E… respetuhin na lang natin kung a- numan po ‘yong nagugustuhan namin.

“Pero kami po, kung ano po ‘yong kagustuhan ninyo, isa lang naman po ang hangarin naming lahat, e. ‘Yong mapasaya po kayong lahat. Na kayo pong mga fans e mapagbigyan po ang kagustuhan ninyo.

“Bawat po isa sa atin, meron po tayong sinasabi na… personal na bagay o hindi naman sa sikreto. Kumbaga, mas gugustuhin nating maging personal ang ibang mga bagay tungkol sa atin. At meron rin kami no’n.

“May damdamin rin po kami at minsan, nasasaktan rin po kami.”

Ganyan?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply